Malacañang, may paalala sa bagong talagang Supreme Court Justice Raul Villanueva

Maglingkod ng tama at walang pinapanigan.

Ito ang paalala ng Malacañang kay bagong talagang Supreme Court Associate Justice Raul Villanueva matapos nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bilang public servant ay dapat manatili sa kanilang puso at isipan ang prinsipyo ng tamang paglilingkod sa bayan, nang walang pinapanigan at naaayon sa batas.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na kumpiyansa siya kay Villanueva, na kanyang unang appointed justice sa Korte Suprema.

Naging malapit rin aniya ang relasyon ng Ehekutibo at Hudikatura sa mga nagdaang taon, at umaasa siyang magpapatuloy ito para mapalapit din ang iba pang tanggapan ng gobyerno, at matiyak ang nagkakaisa at epektibong paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan.

Facebook Comments