Thursday, September 10, 2026

Malacañang, may pahayag sa panawagang gawing libre ang toll sa mga motoristang naipit sa NLEX

Sagot ito ng Malacañang sa panawagan ng ilang motorista na gawin munang libre ang toll free sa North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa naranasang perwisyo dulot ng mga pagbaha nitong weekend.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, walang saysay kung gagawing libre ang toll kung hindi naman makakadaan ang mga sasakyan.

Ibinabala rin ni Castro na posibleng dumami pa ang dadagsa sa NLEX kung gagawing libre ang toll fee.

Sa ngayon, ipinauubaya na raw ng Palasyo sa pamunuan ng NLEX kung gagawin nilang libre ang pagdaan sa naturang expressway.

Facebook Comments