Malacañang, nagpaabot ng pagbati sa mga nakapasa sa CPA examination

Nagpahayag ng pagbati ang Malacañang sa mahigit 2,000 examinees na nakapasa sa Certified Public Accountant Licensure Examination ngayong taong ito.

Kabilang dito ang anak ni Senador Bong Go na si Christian Lawrence Go na naka-3rd place sa nabanggit na licensure exam para sa mga accountant.

Sa 14,492 na kumuha ng pagsusulit, nakuha ni Christian Go ang third highest spot na may gradong 89.50 percent.


Nagkataong nakuha rin ni Senador Go ang ikatlong spot nitong nakaraang 2019 senatorial elections, na siya ring spot na nakuha ng kanyang anak sa nakaraang licensure exam for accountants.

Si Christian Go ay valedictorian mula noong grade school hanggang high school at nagtapos bilang summa cum laude sa De La Salle University.

Facebook Comments