Friday, October 16, 2026

Malacañang, nanawagan sa mga social media platforms na makiisa kontra fake news

Nanawagan ang Malacañang ng pagkakaisa ng gobyerno, media at social media users laban sa lumalalang fake news na maaaring makasira sa interes ng publiko at maging sa soberanya ng bansa.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, kailangan ang koordinadong pagkilos ng mga ahensya ng gobyerno, mainstream media at responsableng vloggers, bloggers at social media users para mabilis na matukoy at maituwid ang maling impormasyon.

Giit ni Castro, hindi kayang labanan ng gobyerno nang mag-isa ang misinformation at disinformation, kaya mahalaga ang agarang pagtukoy at pagtutuwid ng media sa mga impormasyong hindi totoo.

Nanawagan din siya sa mainstream media na agad ipaalam sa publiko kapag may kumakalat na maling balita o impormasyon.

Facebook Comments