Malacañang, naniniwalang magiging kakampi pa rin ni Pangulong Duterte si Sen. Pacquiao

111

Naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na mananatiling kakampi ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Manny Pacquiao sa kabila ng ilang hindi pagkakaintindihan ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Ayon kay Roque, wala naman nangyaring pagbabago sa partido bagama’t natuloy ang PDP-Laban meeting.


Aniya, wala rin siyang nakikitang hadlang sa pagpupulong sa pagitan ni Pacquiao at Duterte para pag-usapan ang kanilang plano para sa darating na halalan.

“Wala pa pong schedule, pero wala rin naman akong nakikitang hadlang sa pagpupulong na iyan. Wala naman pong nangyaring pagbabago bagamat natuloy po iyong PDP-Laban, he remains to be party president as of now,” ani Roque.

Matatandaang nagkaroon ng pulong ang PDP-Laban kung saan nagpasa sila ng resolusyon na humihikayat kay Pangulong Duterte na tumakbo bilang bise president sa 2022 election.

Facebook Comments