Malacañang, nilinaw na hindi nag-‘gate crash’ si Speaker Cayetano sa meeting nina Pangulong Duterte at Bro. Eddie Villanueva

Iginiit ng Malacañang na hindi nag-‘gate crash’ si House Speaker Alan Peter Cayetano sa meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Jesus Is Lord (JIL) Founder Eddie Villanueva nitong Miyerkules.

Ito ay matapos ibasura ng mayorya ng mga kongresista ang alok ni Cayetano na magbitiw sa pwesto.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, si Cayetano ay bahagi ng panauhin ng Palasyo para sa meeting at pray over ni Villanueva.


Aminado si Roque na hindi naiwasang talakayin sa naging pulong ang isyu sa House Leadership kung saan muling iginiit ni Pangulong Duterte na labas na siya sa nasabing isyu.

Nagkataon lamang aniya na ang meeting ng Pangulo kina Villanueva at Cayetano ay nangyari matapos ang resignation offer ni Cayetano.

Facebook Comments