
Nilinaw ng Malacañang na hindi national holiday ang January 27 na araw ng paggunita ng Filipino Muslim community sa Al-Isra Wal Miraj o Night Journey and Ascension ni Prophet Muhammad.
Sa isang pahayag, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na sakop lamang ng naturang holiday ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at iba pang Muslim area sa ilalim ng Muslim code.
Pwede rin aniyang umabsent sa trabaho ang mga Muslim na naninirahan sa mga lugar na hindi sakop ng holiday gaya ng Metro Manila.
Facebook Comments