
Nilinaw ng Malacañang na walang bagong pahayag o direktiba sa Kongreso si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tungkol sa Charter Change (Cha-Cha) o pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas.
Pahayag ito ng Palasyo matapos na muling buhayin ni VP Sara Duterte ang usapin sa Cha-Cha sa isang campaign sortie sa Maynila.
Ikwinento nito kung paano tinutulan ni Sen. Imee Marcos ang umanoy plano ni Pangulong Marcos na pag-amyenda sa Konstitusyon.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na hindi pa muli binubuksan o tinatalakay ng pangulo ang usapin kaugnay rito kaya nakakapagtala aniya ang muling pagbuhay ni VP Sara sa nasabing isyu na tila pang-iintriga lang.
Samantala, isang “good luck” lang ang mensahe ng Palasyo sa naging pahayag ni VP Sara na magiging agresibo na rin ang kanilang pamilya sa pangangampanya ngayong papalapit na ang halalan.
Matatandaang sinabi kasi ni VP Sara na uuwi na rin sa bansa ang kaniyang kapatid na si Rep. Paolo Duterte para simulan ang pangangampanya maging ang kanilang bunsong kapatid na si Kitty Duterte ay sasama na rin sa campaign sorties ng kanilang partido.