Malacañang, nilinaw na walang sinabi si Pangulong Duterte na hindi na siya tatakbo sa susunod na halalan

308

Nilinaw ng Malacañang na walang sinabi si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na siya tatakbo sa alinmang posisyon sa 2022 elections.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang tumakbo sa pagkabise presidente sa susunod na halalan at gusto nang magretiro sa politika.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malinaw ang mga sinabi ng Pangulo pero hindi nangangahulugang sarado na ang pintuan sa pagtakbo sa anumang posisyon.

Matatandaang hinikayat ng ruling political party na PDP-Laban si Pangulong Duterte na tumakbo bilang pangalawang pangulo sa susunod na taon at pumili ng standard-bearer.

Facebook Comments