Malacañang, pinag-iingat ang lahat sa banta ng Delta variant

50

Umapela ang Malacañang sa publiko na patuloy pa ring sundin ang health protocols at manatili sa loob ng bahay kung kinakailangan.

Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng pagtaas ng COVID-19 cases sa iba’t ibang lugar at local transmission ng Delta variant.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nananatiling sandata sa paglaban sa COVID-19 ang “Mask,” “Hugas,” at “Iwas” combo.

Muling ipinaalala ni Roque na hindi instant ang naibibigay na proteksyon ng bakuna dahil inaabot ito ng hanggang anim na linggo bago malaman ang epekto nito.

Hinikayat ni Roque ang lahat na magpabakuna lalo na at libre ito.

Facebook Comments