Malacañang, pinakikilos ang lahat ng kaukulang ahensya para tulungan ang mga naapektuhan ng Magnitude 6.9 na Lindol

580

Inatasan na ng Malacañang ang lahat ng kaukulang ahensya na agad tumugon sa mga lugar na tinamaan ng Magnitude 6.9 na Lindol.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nasa “top of situation” ang gobyerno.


Kumikilos na ang Concerned Agencies para magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng Lindol.

Siniguro rin ng Palasyo na patuloy na nagbabantay ang Executive Branch sa sitwasyon, sa pamamagitan ng NDRRMC, Office of Civil Defense, at PHIVOLCS.

Facebook Comments