Malacañang, pinuri si Hidilyn Diaz matapos makauwi ng kauna-unahang Olympic gold medal

89

Pinuri ng Malacañang ang Filipina weightlifter na si Hidilyn Diaz matapos masungkit ang kauna-unahang Olympic gold medal sa Tokyo, Japan.

Nakuha ni Diaz ang gintong medalya sa ilalim ng 55 kilogram women’s weightlifting competition.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, binabati nila si Diaz sa pagbibigay ng dangal at papuri para sa Pilipinas.

“The Palace congratulates Hidilyn Diaz for bringing pride and glory to the Philippines for winning the country’s first-ever Olympic gold medal,” sabi ni Roque.

“Congratulations, Hidilyn. The entire Filipino nation is proud of you. Laban, Pilipinas!” dagdag pa ni Roque.

Matagumpay na nabuhat ni Diaz ang 127 kilogram, na maituturing na Olympic record sa clean and jerk.



Sa snatch naman, nabuhat ni Diaz ang 97 kgs – sa kabuoan ay aabot sa 224 kgs.

Si Diaz ang kauna-unahang Pilipinong atleta na nanalo ng dalawnang Olympic medal matapos ang malambat ang silver medal noong 2016 Rio Olympics.


Facebook Comments