Malacañang, tiniyak na nasa ‘green of health’ si PRRD

28

Tiniyak ng Malacañang na nasa ‘green of health’ si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng pangulo na nagkakasakit na siya dahil sa katandaan.


Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagagawa pa ng Pangulo ang kanyang trabaho kahit sa mahigpit na schedule at health issues.

Tuloy din ang pagpunta ng pangulo sa South Korea para dumalo sa Asean-Republic of Korea Commemorative Summit ngayong buwan.

Matatandaang sa kanyang bahay sa Davao City patuloy na nagtatrabaho ang Pangulo.

Facebook Comments

From Advertisers