Malacañang, tiniyak na okay si Pangulong Duterte matapos ma-“out of balance” sa Malolos

1827

“Simple misstep”

Ito ang pagtitiyak ng Malacañang matapos magkamali sa hakbang si Pangulong Rodrigo Duterte sa Independence Day rites sa Malolos, Bulacan noong Sabado, June 12.


Nabatid na makikita sa video na namali ng hakbang si Pangulong Duterte habang papaikot siya ng podium kasabay ng wreath-laying ceremony.

Agad namang siyang inalalayan noon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Cirilito Sobejana.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nawalan lamang ng balanse si Pangulong Duterte.

Pagtitiyak ni Roque na maayos ang kalusugan ng Pangulo.



Facebook Comments