Malacañang, tiwala maayos ng DepEd ang umano’y mali-maling textbook

Tiwala ang Malacañang na masosolusyunan ni Education Secretary Leonor Briones ang mali-maling textbook.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi hahayaan ni Briones na magkaroon ng anomalya sa kanyang kagawaran.

 

Matatandaang kinuwestiyon ng Commission on Audit o COA ang pagbili ng DepEd ng P254.4 milyong halaga ng mga libro na maraming mali.


 

Maging ang higit P100 milyong halaga ng mga aklat at iba pang materyal na nakaimbak lang sa mga bodega ng kagawaran.

Facebook Comments