Malacañang, umapela sa mga opisyal ng gobyerno na huwag magmatigas sa panawagan ni PBBM na courtesy resignation

Nanawagan ang Malacañang sa mga opisyal ng gobyerno na huwag magmatigas sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magsumite ng kanilang courtesy resignation.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, malinaw ang mensahe ni Pangulong Marcos na lahat ng cabinet secretaries at maging ang presidential advisers ay sakop ng direktiba.

Mananatili pa rin naman aniya sa kanilang posisyon ang mga cabinet member sa harap ng ginawang pagsusumite ng halos lahat na ng miyembro ng gabinete.

Giit ni Castro, kung kumpiyansa naman ang mga opisyal at nagtatrabaho ay wala itong dapat ikabahala dahil sasalang naman sila sa masusing evaluation.

Sa katunayan, ito nga aniya ang tamang pagkakataon para patunayang karapat-dapat silang manatili sa puwesto.

Samantala, tiniyak din ng Palasyo na habang gumugulong ang performance evaluation ay magpapatuloy pa rin ang mga programa ng gobyerno para sa taumbayan.

Facebook Comments