Malakanyang, dumistansya sa nilulutong impeachment complaint ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay Vice President Leni Robredo

34
Manila, Philippines – Nilinaw ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa plano ng mga kaalyadong Kongresista nito na ituloy ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.
 
Ito ay sa kabila ng pahayag ng pangulo na huwag nang ituloy ang impeachment kay VP Robredo dahil magkakagulo lamang ang bansa at maaga pa para ito ay mapatalsik.
 
Ayon kay Panelo, nasa kamay na ng mga kongresista kung ano ang gagawin dahil hindi naman kontrolado ng pangulo ang Kamara.
 
Binigyang diin pa ni Panelo na masyadong abala si Pangulong Duterte sa pagpapatakbo ng gobyerno kaya hindi na ito makikialam sa mga mambabatas.


Facebook Comments