Malakanyang, hindi titigilan ang isyu ng katiwalian sa PhilHealth bilang tugon sa trending na hashtag sa social media

94

Sinisiguro ngayon ng Malakanyang na handa silang papanagutin ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sangkot sa katiwalian.

Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang tugon sa hashtag sa Facebook at Twitter na #wagkalimutanyungbinulsang15bsaphilhealthchallenge.

Ayon pa kay Roque, isinasapinal na ng Task Force PhilHealth kasama ang Department of Justice (DOJ) ang reklamo laban sa mga opisyal na nasa report na ipinasa kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay nito, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng task force para malaman ang puno’t dulo ng katiwalian.

Iginiit pa ni Roque na ang pagsugpo sa korapsyon sa pamahalaan ay hindi lamang sa salita nila ginagawa kundi seryoso silang tapusin ito.

Facebook Comments