Malakanyang, nagpaabot ng pakikiramay sa Beirut blast victims

Nagpaabot nang pakikiramay ang Malakanyang sa Lebanon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakikiisa ang Pilipinas sa mga mamamayan sa Lebanon na nagdadalamhati dahil sa pagsabog sa Port of Beirut.

Kaisa rin sila ng mga pamilya at kaibigan ng mga Filipino na nasawi, nawawala at nasugatan sa nasabing pangyayari.


Tiniyak naman ni Roque na inatasan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tulungan ang mga Filipino na apektado ng pagsabog sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Beirut.

Facebook Comments