Malakanyang, nagpaabot ng papuri kay Beatrice Gomez matapos ang laban nito sa Miss Universe

73

Nagpaabot ng papuri ang Malakanyang kay Beatrice Luigi Gomez matapos nitong i-represent ang Pilipinas sa 2021 Miss Universe pageant.

Si Beatrice ay nagtapos sa Top 5 kung saan kinoronahang Miss Universe si Harnaaz Sandhu mula sa India.

Ayon kay acting Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, malaking karangalan ang dinala ni Beatrice sa taunang international pageant.


Habang bilang miyembro ng Armed Forces, athlete, at youth advocate ay naging inpirasyon si Beatrice ng mga Pilipino para ipakita ang kagandahan ng mga Pinay.

Maliban sa Malakanyang, bumati rin kay Beatrice sina dating Miss Universe queens Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Facebook Comments