Malakanyang, nilinaw na hindi pag-atake sa Philippine Journalism ang pahayag ni Pangulong Duterte sa dalawang media entity

Manila, Philippines – Nilinaw ng Malakanyang na hindi pag-atake sa
Philippine Journalism ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa
dalawang media entity.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – paalala lamang ito ng
pangulo sa media na maging patas sa paghahatid ng balita sa publiko.

Mahalaga, aniya, ang check and balance lalo na sa isyu ng katiwalian at
pang-aabuso ng mga nasa gobyerno sa halip na palitawin na ang negatibong
imahe ng Pangulo bilang isang lider na nag-aamok.


Facebook Comments