Malakas na pagpapatugtog at videoke sessions sa Navotas, bawal hanggang sa 2021

50

Ipagbabawal na muna sa lungsod ng Navotas ang malakas na pagpapatugtog at videoke hanggang sumasailalim sa online classes ang mga mag-aaral.

Kaugnay ito sa ipinasa ng City Council na ordinansa matapos na makatanggap ng maraming reklamo mula sa mga mag-aaral ang lokal na pamahalaan.

Sa ordinansa, iba-ban ang pagpapatugtog ng malakas at videoke sessions mula Lunes hanggang Sabado at ito ay tatagal hanggang July 2021.

Papayagan naman ang loud music at videoke tuwing Linggo pero ito ay tuwing ala-1:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi lamang para naman makapagpahinga rin ang mga residente.

Facebook Comments