Malaki ang tyansa na gamitin na rin sa senior citizens sa bansa ang Sinovac

40

Ito ang inihayag ni Vaccine Expert Dr. Rontgene Solante sa harap ng patuloy na pagdami ng mga bansang gumagamit na ng Sinovac vaccine sa mga indibidwal na may edad 60 pataas.

Aminado naman si Dr. Solante na mabagal ang pag-usad ng pagbabakuna sa bansa.


Gayunman, ito aniya ay dahil sa kulang pa ang supply ng bakuna na dumadating sa Pilipinas.

Ayon kay Solante, lumalabas naman sa mga pag-aaral na ang Pfizer COVID vaccine ang may pinakamataas na efficacy rate na 95%.

Pangalawa aniya ang Moderna na may 94.1% efficacy rate.

Samantala, nagbabala naman si Dr. Solante sa posibleng epekto sa atay at sa bato ng pag-inom ng Ivermectin na ginagamit na rin ng ilang indibidwal sa panlaban sa COVID-19.



Facebook Comments