Malakihang rollback, ipinatupad sa presyo ng LPG ngayong araw

216

Nagpatupad ng rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang ilang oil company.

Epektibo kaninang alas-12:01 ng hatinggabi, nasa ₱5.90 kada kilo ang ibinaba ng Petron sa kanilang LPG prices o katumbas ng halos ₱65 sa regular na tangke.

Habang bumaba rin ng ₱3.30 ang presyo ng kada litro ng kanilang AutoLPG.


₱5.18 naman kada kilo ang naging rollback sa LPG ng Phoenix LPG at ₱2.86 sa kanilang Auto LPG.

Samantala, bumaba rin ng ₱5.91 ang presyo ng kada kilo ng LPG ng Solane na ipinatupad naman kaninang alas-sais ng umaga.

Sa datos ng Department of Energy, naglalaro na ngayon sa ₱915 hanggang ₱1,135 ang presyo ng 11 kilos na tangke sa merkado.



Facebook Comments