Malaking congressional insertions, dapat tapyasan muna pambiling bakuna

51

Iginiit ni Senator Panfilo Ping Lacson na pwedeng gamitin para ipambili ng bakuna ngayong taon ang bilyun-bilyong congressional insertions na minarkahan ng Department of Budget and Management na For Later Release (FLR).

Iminungkahi ito ni Lacson matapos makipagpulong sa kanila ni Senate President Tito Sotto III sina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., Testing Czar Vince Dizon at Contact Tracing Czar Benjamin Magalong.


Ayon sa mga ito, kailangan pa ng karagdagang P20 bilyon para sa bakuna ngayong taon at P90 bilyon naman para sa 2022.

Diin ni Lacson, ang kailangang budget pambili ng bakuna ay pwedeng kunin sa insertions na ginawa ng mga mambabatas dahil hindi ito naikonsulta sa mga kinauukulang ahensya kaya hindi iyon maipatutupad.

Ipinaalala pa ni Lacson ang nabunyag na nakapaloob sa panukalang badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na bilyong pisong alokasyon sa ilang mga pinapaborang congressional districts.

Tinukoy ni Lacson na bukod pa ito sa malalaking halagang nailaan sa Department of Education (DepEd), Department of Transportation (DOTr) at DPWH na hindi pa nagagamit at maaari ding pagkunan ng dagdag na pondo para sa COVID-19 vaccine.



Facebook Comments