MALAKING HAMON | Anti-Political Dynasty Bill, posibleng mahirapang lumusot sa Kamara

Manila, Philippines – Sa tingin ni Senator Win Gatchalian, magiging hamon para sa Anti-Political Dynasty Bill na makapasa sa Mababang Kapulungan.

Paliwanag ni Gatchalian, laganap ang political dynasty o magkakamag-anak na politiko sa lokal na pamahalaan.

Dahil dito ay duda si Gatchalian, na boboto ang mga kongresista pabor sa isang panukala na bubura sa kanilang pamilya sa larangan ng politika sa local level.


Maging si Senator Gatchalian ay may mga kapamilya din sa kamara at sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela.

Pero diin ni Gatchalian, handa siya at miyembro ng kanyang pamilya na sumunod sa itatakda ng maipapasang Anti-Political Dynasty Bill dahil para ito sa kabutihan ng bansa.

Facebook Comments