Malaking papel ng partylist groups sa bansa, kinikilala ng Kamara

123

Tiniyak ni House Majority Leader Martin Romualdez na kinikilala ng Kamara ang malaking ambag ng mga partylist group sa pagpapabuti ng kalagayan sa ating bansa.

Ito’y kahit pa naunang ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapabuwag sa mga partylist na umano’y nagagamit ng mga makakaliwang grupo.

Nangako si Romualdez na ibibigay sa mga kasamahan sa partylist groups ang nararapat na atensyon.


Napatunayan naman umano ng mga kinatawan sa partylists na sila’y maaasahan at masigasig sa pagsusulong ng mga kinakailangang batas.

Personal din niyang nakita ang tulong ng mga programa at proyekto ng mga partylist lalo na sa mga kanayunan.

Sa Kamara, ang Partylist Coalition ang ikalawa sa may pinakamalaking bloc na may 60 miyembro na sumusunod sa PDP-Laban na may 62 miyembro sa Mababang Kapulungan.



Facebook Comments