MALAKING PASASALAMAT | Comedian Donita Nose, nilinaw na walang sama ng loob kay Willie Revillame

Manila, Philippines – Malaki daw ang pasasalamat ngayon ng komedyanteng si Donita Nose kay Willie Revillame dahil ito raw ang nagbigay ng break sa kaniya upang makilala siya sa mundo ng showbiz.

Wala din daw sama ng loob si Donita kahit pa tinanggal ito sa show ni Willie noong October 2017.

Bukod sa kanya, natanggal din sa show sina Ariella Arida, Ashley Ortega, Sugar Mercado, at ang baguhang komedyanteng si Verna dahil umano sa hindi nagustuhan ni Willie ang pagbubulungan nila sa likod habang nagsasalita ang TV host sa kamera.


Pero ayon kay Donita, balak daw talaga ni Willie na i-reformat ang kanilang early prime time game show at naging desisyon na palitan ang mga co-host.

Sa ngayon, busy si Donita ibang show ng Kapuso Network at todo paghahanda daw siya sa nalalapit na concert kasama ang iba pang artista.

Facebook Comments