MALAKING TULONG | ₱280-M, inilaan ng gobyerno para sa paglalagay free WiFi sa higit 100 SUCs

163

Manila, Philippines – Aabot sa P280 milyong pondo ang ilalaan ng gobyerno para sa libreng WiFi sa 114 na State Universities and Colleges (SUCs) sa buong bansa.

Ayon kay House Committee on Appropriations Member at Makati Representative Luis Campos Jr, ang naturang pondo ay kasama sa P3.757 trilyong panukalang budget para sa taong 2019.

Aniya, 1.3 milyong estudyante ang inaasahang makikinabang rito.

Malaki kasi aniya ang tulong ng libreng WiFi para sa pag-aaral o research ng mga estudyante.

Facebook Comments