Malalaking fastfood chain, magpapatupad ng contactless transaction sa gitna ng COVID-19 pandemic

Nakipag-ugnayan na ang tatlong malalaking fastfood chain sa bansa sa isang digital payment company kaugnay sa pagpapatupad ng cashless transaction kontra COVID-19 pandemic.

Ayon sa kumpanyang PayMaya, gumagamit na ang Jollibee group, Mcdonald’s, at KFC ng kanilang digital payments solution para sa contactless payments sa kanilang mga strore, drive-thru at sa iba pang online delivery portals.

Ito ay alinsunod sa ipinatutupad na guidelines ng pamahalaan kaugnay sa iba pang alternatibong pamamaraan ng pagbabayad.


Facebook Comments