Malalimang imbestigasyon sa ‘gunrunner’ na nakuhaan ng mataas na uri ng armas at bala, ipinag-utos na ni PNP Chief Eleazar

77

Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar ang Northern Police District (NPD) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa naarestong gunrunner na nakuhaan ng mataas na uri ng armas at bala.

Naganap ang pag-aresto nitong ika-15 ng Hunyo sa Pasay City.


Ayon kay Eleazar, kailangang malaman ng pulisya kung mag-isa lamang na kumikilos ang nadakip na si John Christian Bautista o bahagi ito ng isang malaking sindikato.

Hindi kasi aniya biro ang taas ng kalibre ng mga baril na binebenta ng suspek at may posibilidad na sa mga sindikato o kriminal niya ito ibinibenta.

Paliwanag naman ni Eleazar, kasama rin sa iimbestigahan ay kung paano dumaan sa mga courier services ang pagbebenta ng suspek nang hindi nagdulot ng alarma.

Sa ngayon, nagpaalala na si Eleazar sa mga courier services provider na tignang mabuti ang mga laman ng ide-deliver na gamit upang matiyak na hindi ito naglalaman ng mga kontrabando.



Facebook Comments