Malasakit Center bubuksan sa Cotabato City at Sultan Kudarat Province

Pangungunahan ni former Special Assistant to the President o SAP BONG GO ang launching ng Malasakit Center sa Cotabato City at Isulan sa Sultan Kudarat Province ngayong araw.
Ala una mamaya dadaluhan ni Bong Go ang Launching ng Malasakit Center sa Cotabato Regional and Medical Center habang alas tres naman ng hapon ay lalahukan rin nito ang Launching sa Sultan Kudarat Provincial Hospital sa bayan ng Isulan.
Ang malasakit center ay isa sa mga programa ng Presidente Rudy Duterte na naglalayun na matulungan ang publiko lalo na ang mga hikaos sa buhay sa usaping Kalusugan at bayaran sa pagamutan. Zero Balance Billing ang target ng Malasakit Center.
Sinasabing prayoridad ng programa ang mga senior citizens at PWD.
Samantala naging posible ang pagdalo ni Bong Go at Launching ng Malasakit Center sa Cotabato City at Sultan Kudarat Province dahil sa inisyatiba ni Datu Abdullah Sangki Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
GOOGLE PIC

Facebook Comments