Malaysian embassy sa Vatican, bubuksan na

32

Vatican – Opisyal nang bubuksan ni Malaysian foreign minister Anifah Ama ang Malaysian embassy sa Vatican sa kasagsagan ng kanyang pagbisita sa Holy See.

Ayon kay Anifah – mahalagang milestone ang pagbubukas ng embahada para sa pagpapataas ng relasyon ng Malaysia at Holy See.

Sa kanyang inaugural visit na magsisimula ngayong araw naka-schedule si Anifah na makipagkita sa kanyang counterpart na si Most Reverend Archbishop Paul Gallagher at Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin.

Taong 2011 ng maitatag ang diplomatic ties sa pagitan ng Malaysia at Holy See matapos ang pagbisita ni Prime Minister Najib Razaks sa Vatican City.

DZXL558

Facebook Comments