Malaysian national na gustong maging real life anime character, pinuputakte ngayon ng bashers sa social media

Panghimagas – Inuulan ngayon ng batikos ang isang 21 anyos na Malaysian national matapos itong magpa-opera para magmukhang real life anime character.

Buong pagmamalaking kinuwento ni Amirul Rizwan musa na gumastos siya ng libu-libong dolyar para magpa-plastic surgery.

Pero kung proud si Amirul sa kanyang achievement, hindi naman ito nagustuhan ng kanyang mga kababayan.


Giit ng mga ito, ikinahihiya nila ang ginawa ni Amirul dahil para na rin nitong itinakwil ang kanilang nasyonalidad.

Hanggang ngayon ay inuulan pa rin si Amirul ng hate messages mula sa kanyang mga kababayan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments