MALIMGAS MARKET PROCESSING FACILITY SA DAGUPAN CITY, NAKATAKDANG BIGYAN NG LICENSE TO OPERATE

Tinatrabaho ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang mithiing magkaroon muli ng license to operate sa Malimgas Market Processing Facility.

Alinsunod dito, nakipag-ugnayan ang LGU sa FDA Regional Field Office 1 kasama ang City Agriculture Office upang talakayin ang mga kaalamang nakapaloob ukol dito.

Sa naturang pasilidad, Maisasaalang-alang ang katiyakan pagdating sa food safety, lalo na sa pagpoproseso ng ilang mga fsh products tulad ng Bangus at iba pa.

Layon din nitong matutukan ang pagiging compliant ng public market sa mga standard na ibinababa ng FDA.

Samantala, kung makuha ang license to operate, maaaring nang makakuha ng iba’t-ibang mga serbisyo tulad ng deboning, blast freezing, vacuum sealing at iba pa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments