Malinaw na patakaran sa pagtataas ng presyo ng mga bilihin ngayong holiday season, dapat itakda ng DTI – Laban Konsyumer

54

Umapela sa Department of Trade and Industry (DTI) ang grupo ng mga konsyumer na magtakda ng malinaw na patakaran sa pagtataas ng presyo sa ilang pangunahing bilihin ngayong holiday season.

Ayon kay Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba, sa DTI nagmumula ang Suggested Retail Price (SRP) ng mga produkto kaya dito lang sumusunod ang mga nagtitinda.

Pero sabi ni Dimagiba, kung magulo at walang tiyak na pamantayan sa pagtataas ng presyo, posibleng lumabag ang ilang konsyumer at hindi sumunod sa dapat na halaga.


Facebook Comments