Mall sa Maynila na sinasabing nagbebenta ng mga nakaw na cellphone, lalo pang nakitaan ng butas sa posibleng pagpapasara

95

May panibagong butas na nasilip ang Manila City Gov’t para sa posibleng pagpapasara sa Isetann Mall sa Maynila.

 

Pinagpapaliwanag ngayon ng City Govt ang may-ari ng nasabing mall sa hindi nito pagsasaayos sa kanilang business permit.


 

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, natuklasan niya mula sa kanilang bureau of permits na walang pinanghahawakang kaukulang dokumento para mag-operate pa ang nasabing establishment.

 

Una nang nagbanta ang alkalde na kanyang ipapasara ang mga establishments na mahuhuling kumakanlong ng mga negosyanteng nagbebenta ng mga nakaw na cellphone.

Facebook Comments

From Advertisers