Mall security managers, pinulong ng JTF COVID-19 Shield kaugnay sa mga patakaran sa MECQ

Upang mailatag ng maayos ang mga patakaran ngayong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) pinulong ng Joint Task Force (JTF) COVID-19 Shield ang mga mall security manager sa Metro Manila.

Pinangunahan ni JTF COVID-19 Shield Commander Lieutenant General Guillermo Eleazar ang pagpupulong na isinagawa sa Crime Laboratory sa Camp Crame at kasalukuyang tinatalakay ang pagpapatupad ng social distancing.

Matatandaang dinagsa ang mga mall nitong Sabado sa unang araw ng MECQ at maraming nagulat sa mga paglabag sa social distancing dahil sa kumpulan ng mga tao.


Nagtanong naman ang mga mall security owner sa open forum.

Inaasahan naman na pagkatapos nito ay magkakaroon ng adjustment sa mga mall.

Facebook Comments