Maluluging kita mula sa sektor ng agrikultura dahil sa el nino, aabot sa P100-milyon ayon sa D.A.

78

Aminado ang Department of Agriculture (DA) na aabot sa P100-milyong halaga ng agricultural products ang inaasahang malulugi ngayon dahil sa El Niño.

 

Partikular dito ay mula sa mga pananim na palay at mais.

 

Pero ayon kay DA Field Program Operational Planning Chief Christopher Morales, hindi nagkulang ang kagawaran sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong magsasaka.

 

Nobyembre pa lang aniya noong nakaraang taon nang ilatag ng Agriculture Department ang pagbuo sa task force na magbabantay at tututok sa sitwasyon ng mga lugar na maaapektuhan ng tagtuyot.

 

At hanggang ngayon, nagpapatuloy umano ang monitoring ng DA sa walong lalawigan na labis na apektado ng dry spell at drought.

 

kabilang sa mga ito ang probinsya ng Cotabato, Occidental Mindoro, Zamboanga Peninsula, Maguindanao, Misamis Occidental, at Davao Del Sur.

Facebook Comments