Mambabatas, may payo sa mga mananalong senador ngayong halalan

Pinayuhan ni Senator Joel Villanueva ang mga mananalong senador ngayong halalan na paghandaan ang pagsabak sa Senado.

Ayon kay Villanueva, dapat tandaan ng mga mananalong mambabatas na hindi biro ang papasuking trabaho sa mataas na kapulungan lalo’t mayroong nakaambang na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Dahil dito, hindi lang ang paggawa ng batas ang kanilang pagtutuunan ng pansin sa 20th Congress kundi pati ang pagganap nila bilang senator judges ng impeachment court.

Kailangan aniya nilang magdoble kayod dahil hindi na lang iisa ang kanilang magiging tungkulin sa susunod na Kongreso.

Bukod sa legislator, sila rin ay tatayong miyembro ng jury at hurado rin ng impeachment trial.

Maliban pa sa trabahong ito, nariyan din ang kanilang oversight functions at ang paghimay sa pambansang budget sa susunod na taon.

Facebook Comments