Management ng hotel kung saan namatay ang flight attendant ng PAL, pinadalhan ng show cause order ng Tourism Department

Nag-isyu ang Department of Tourism (DOT) ng show cause order laban sa City Garden Grand Hotel kung saan namatay ang isang flight attendant ng Philippine Airlines na si Christine Angelica Dacera

Binigyan ng DOT ng tatlong araw ang management ng nasabing hotel para magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat bawian o suspindehin ang kanilang DOT accredidation.

Ayon sa Tourism Deptartment, sa ilalim ng kanilang Administrative Order, ang mga hotel sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ay pinapayagan lamang na mag-operate bilang quarantine facilities at hindi para sa leisure purposes.


Una nang inihayag ng Makati Police na posibleng kasuhan din nila ang management ng hotel dahil sa paglabag nito sa quarantine protocols.

Hindi anila kasi dapat pinapayagan ng hotel ang pagdaraos ng party sa kanilang units tulad ng ginawa ng mga suspek sa pagkamatay ni Dacera kung saan pinaniniwalaang hinalay din ito.

Facebook Comments