Manager ng Insurance Company, Arestado sa Panggagahasa!

*Cauayan City, Isabela-* Arestado ang manager ng isang insurance company sa kasong panggagahasa nang isilbi ang kanyang warrant of arrest sa harap ng Xentro Mall sa National Highway ng Brgy. Villasis, Santiago City.

Ang akusado ay nakilalang si Carlito Dionisio Cuyat Jr , 35-anyos, may-asawa, Manager at residente ng Purok 1, Rizal sa naturang lungsod.

Natiyempuhan ng otoridad si Cuyat Jr. sa naturang lugar na matagal nang pinaghahanap ng alagad ng batas kaya’t agad na isinilbi ang kanyang warrant of arrest.


Ito’y sa pamamagitan ng inisyu ni Hukom Felipe Jesus Torio II, ng RTC Branch 22, Second Judicial Region ng Cabagan, Isabela na may criminal case # 22-3699 sa kasong rape o panggagahasa.

Ang kaso ni Cuyat Jr. ay walang kaukulang piyansa.

Pansamantala nasa himpilan ng pulisya ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments