MANANAGOT | 20 Pulis na umano ay natukoy na bashers ni PNP Chief Oscar Albayalde pinarereport sa kanyang tanggapan

100

Manila, Philippines – Dalawangpung mga pulis na umano ay natukoy na bashers ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde ang pinagrereport na sa kanyang tanggapan sa darating na Martes.

Ayon kay PNP Chief Albayalde pinarereport nya ang mga pulis na ito upang malaman ng publiko na hindi pinalalampas ng pamunuan ng PNP ang ginagawang backfighting nang ilan nilang miyembro.

Bukod sa pagreport sa kanyang tanggapan iniutos nya na rin sa Directorate for Intelligence and Detective Management o DIDM ang pagsasagawa ng imbestigasyon nang sa ganun magawan ito ng report at masampahan sila ng kasong insubordination

Giit ng opisyal bawat pulis at kailangang sumunod sa mga patakarang ipinatutupad ng PNP.

Paliwanag pa nya na kapag kaanib ka ng isang organisasyon ay may dapat na sinusunod na patakaran.

At kung nais aniya ng ilang mga pulis na pairalin ang freedom of expression umalis ang mga ito sa serbisyo.

Ginawa ni Albayalde ang mga pahayag matapos mabasa mismo ang mga hindi magagandang komento ng ilang mga pulis sa facebook account na Buhay Lespu dahil sa kanyang ginawang mga surprise inspection sa mga police station nung sya ay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief pa lamang.

Facebook Comments