MANANAGOT | Director ng Ormoc City Police Office, nahaharap sa kaso matapos arestuhin at saktan ang walong Badjao

Ormoc City, Leyte – Isinailalim na sa preliminary investigation ang director ng Ormoc City Police Office matapos na arestuhin at pukpukin ng dos por dos ang walong Badjao na natutulog lamang sa terminal.

Nahaharap sa kasong slight physical injury at unlawful arrest ang suspek na si Police Director Ramil Ramirez.

Nakilala naman ang mga biktimang sina Jhony Dugasan, Vilma Dugasan, Colate Ajadi, Jerry Ajadi, Lita Ajade, Ricky Lira, Edwin Amodia, at Esmae Waraje.


Wala naman naging pahayag pa ang nasabing opisyal kung saan nag-inhibit sa kaso ang tatlong fiscal sa Ormoc dahil sa working relationship nila sa Ormoc City Police Office at posibleng maimpluwensyahan ang kaso.

Facebook Comments