MANANAGOT | Mga nagkakanlong at tumulong na makapagtago si Peter Lim, kakasuhan – DOJ

623

Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Justice (DOJ) na sasampahan ng kasong kriminal ang mga indibidwal na nagkakanlong at tumulong sa negosyanteng si Peter Lim na maiwasang maaresto kauganay ng kasong drug trading conspiracy.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, tutugisin na rin maging ang mga coddler ni Lim.

Aniya, nilabag ng mga ito ang probisyon patungkol sa obstruction of justice sa revised penal code at ang Presidential Decree No. 1829.

Sa ngayon, patuloy na pinaghahanap si Lim ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

Base sa records ng Bureau of Immigration (BI), hindi pa nakalalabas ng bansa si Lim mula sa huli nitong biyahe noong Marso.

Kung sakali mang nakalabas ng bansa ang negosyante, hihingi na ang gobyerno ng tulong sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) para mahuli si Lim.

Facebook Comments