MANANAGOT | Mga pasaherong sasandal, pilit na bubuksan at pipigilang isara ang pintuan ng tren ng MRT-3 kakasuhan na ayon sa DOTr

21

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Transportion Secretary Arthur Tugade na kasuhan ang mga pasaherong sasandal o pilit na magbubukas sa pintuan ng tren ng Metro Railway Transit line 3 o MRT-3.

Nitong Biyernes kasi ay pinababa ang nasa 1,000 pasahero ng MRT matapos magkaroon ng “door failure” ang isang southbound na tren dahil sa pagsandal o sapilitan umanong pagbubukas sa pinto nito.

Ito ang unang unloading incident na naitala simula noong Abril 12 o sa loob ng 11 araw.

Nitong nakalipas na mga araw, ipinagmalaki ng pamunuan ng MRT na umakyat na sa 15 hanggang 17 ang bilang ng mga tumatakbong tren matapos ang pagdating ng bagong spare parts at general maintenance noong Semana Santa.

Facebook Comments