MANANAGOT | Pag-ihi ng ilang pulis sa isang puno ng Malacañang, iimbestigahan

59

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ilang pulis na kasama sa sinermunan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagihi ng mga ito sa puno ng balete na nasa compound ng Malacañang.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, tatanungin nila ang mga pulis na iprinisinta sa Pangulo para malaman kung sino sa mga ito ang umihi sa puno.


Matatandaan na mula sa Metro Manila ang 87 sa 102 na mga pulis na iniharap kay Duterte noong nakaraan.

Facebook Comments

From Advertisers