MANANATILI | Tourism Campaign slogan ng DOT, walang planong palitan

18

Manila, Philippines – Papanatilihin ng bagong kalihim ng Department of Tourism Bernadette Romulo-Puyat ang campaign slogan ng ahensya.

Ang “It’s More Fun in the Philippines” slogan ng DOT ay mula pa noong administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay DOT Secretary Puyat epektibo ang nasabing kampanya kung kaya at wala syang nakikitang rason upang ito ay palitan.

Paliwanag pa nito maging sa ibang bansa ay hindi paiba-iba o pabago-bago ang tourism campaign slogan upang tumatak sa mga turista.

Facebook Comments