Mandaluyong City, may dalawang bagong kaso ng COVID-19

52

24 oras lang ang nakalipas, dalawa agad ang naidagdag sa listahan ng Madaluyong City Government na positibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Batay sa tala ng City Health Office ng nasabing Lungsod noong Martes, March 24, mayroon 20 na COVID positive, pero kahapon March 25, umabot na ito sa 22.


Tumaas din ang Persons Under Investigation o PUI mula 79 to 92.

Pero nabawasan naman ang Persons Under Monitoring o PUM na mula sa 382, bumaba ito sa 373.

Apat na ang nasawi sa Mandaluyong City ng dahil sa nasabing virus, dalawa dito ay COVID positive at dalawa naman ay mula sa PUI.

Kaya naman pakiusap ng Lokal na Pamahalaan ng Mandaluyong sa kanilang mga residente na manatili sa loob ng bahay habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon upang hindi na lumala pa ang kaso ng COVID-19 sa Lungsod.

Facebook Comments