Mandaluyong, iikutin ngayong araw ng DZXL Radyo Trabaho para sa “Dikit Campaign”

20

Susugod naman ang DZXL Radyo Trabaho para ipagpatuloy ang Stickering Campaign nito sa Lungsod ng Mandaluyong.

Ang mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa lungsod ang susunod na didikitan ng Radyo Trabaho stickers.


Kapag nadikitan ng ‘No Smoking’ stickers ang kanilang tricycle, may tiyansa silag manalo sa ‘HuliCash.’

Nitong Martes, nasa 260 unit ng tricycle sa Quezon City ang nadikitan ng DZXL Radyo Trabaho Stickers mula ito sa Barangay Batasan Hills, Culiat at Sauyo.

Samantala, mamimigay din ang grupo ng flyers para sa mga naghahanap ng trabaho para matulungan silang makapag-hanapbuhay.

Sa susunod na linggo, abangan ang DZXL Radyo Trabaho stickering team dahil panibagong lungsod na naman ang kanilang bibisitahin.



Facebook Comments